Marami ng importanteng tao sa buhay ko ang kahit pinapakita sakin na andyan sila, alam ko wala naman na talaga. Marami rin taong pilit na humahanap ng dahilan para manatili. Pero marami rin sakanila ay nawala na sakin, hindi lang physically pero emotionally.
Kapag nawalan ka sa kahit anong paraan, dun mo lang maiintindihan kung ano ba talaga ang silbi ng mga taong yon sa buhay mo. Dun mo lang marerealize na bakit kung kelan wala na sila o sira na ang kung anong meron kayo, tsaka mo lang itinatama.
Minsan gusto mo ibalik yung dati, tapos gusto mo gawing tama lahat. O hindi man tama, gusto mong “pahalagahan at magisip ng ilang milyong beses” bago man sana nangyari ang mga hindi dapat nangyari.
Pero hindi mo rin pwede ika-ila na kung hindi dahil sa taong yon, kung hindi dahil sa mga nangyaring yon, hindi mo rin marerealize na ang lahat pala ng tao sa buhay mo, merong halaga. Hindi mo kaclose, hindi mo katropa, hindi mo kapamilya, MERON at meron pa rin parte ng buhay mo ang maaapektuhan kapag nawala sila sayo. At kung manatili man sila, hindi na kayang alisin ng kahit anong panlinis o kapalit o kahit ang pagbabago mo yung bahid ng masaktan mo sila.
Sa tingin ko, hindi naman totoo yung “life is unfair” talaga. Kasi tayo yung pumipili ng ginagawa natin, tayo yung nag didisisyon, kaya kung unfair man para sayo ang sitwasyon mo, kasalanan mo. Kasi wala namang naglagay sayo jan, ikaw ang nagkusa pumunta jan. Ikaw ang nag kusa pahirapan yung sarili mo.